Wednesday, June 15, 2011

Tsinuging 'Loser' contestant itutuloy ang workout at diet sa bahay !


Tinimbang na ang14 contestants ng The Biggest Loser Pinoy Edition kamakailan matapos ang matitinding weight loss training at pagdidiyeta sa loob ng tatlong linggo.

Ang Biggest Loser sa Week 1 ay si Larry ng Blue Team. Mula sa 255 lbs. ay 229 lbs. na lang siya, 26 lbs. ang nabawas.



Si Hazel naman ang pinakamaliit ang nabawas na timbang, eight 8 lbs. lang

Ang Red Team, na talo sa weigh-in, ay binoto na maalis si Destiny.

Ayon sa kauna-unahang eliminated contestant sa The Biggest Loser, nagsisisi siya na hindi niya nai-share sa teammates ang nararamdaman matapos marinig ang mga komento ng mga kasama sa pagkakaroon niya ng injured foot.

Sinabi rin ni Destiny ang pinakamahirap niyang pinagdaanan, “When I had an accident, ’yung hindi ako nakapag-exercise ng todo for myself and for my team.”

Pero pangako ng natsugi, ipagpapatuloy pa rin niya ang natutunan sa loob ng camp. “Magwo-workout pa rin at magda-diet,” sabi ng contestant mula sa Cebu.

Noong una siyang timbangin ay may bigat siyang 221lbs. Ang huli niyang timbang bago lumabas, 211lbs.

No comments:

Post a Comment