Wednesday, June 15, 2011

Sharon at Derek, mami-miss ni Destiny!


Si Destiny Duarte nga ang agad na natsugi sa The Biggest Loser Pinoy Edition ng ABS CBN. Pero, ayon sa kanya, kahit wala na siya sa contest, ipagpapatuloy pa rin daw niya ang pagpapayat o pagbabawas ng timbang.

Kumusta ang experience niya sa BL camp?



“It was a blast! Wish I can come back and be with them… I’m so excited to see them this September,” sey ni Destiny.

May pinagsisisihan ba siya sa naging karanasan niya?

“I should have shared to my teammates what I felt after I heard their comments about my injured foot.”

Pero, ano ang pinakamasayang moment mo sa BL camp?

“After winning the first challenge for the wild card contestants… and ‘yung meron na akong red shirt, coz for me official na…OFFICIAL CONTESTANT na ako!”

Ano ang pinakamahirap na napagdaanan mo sa BL camp?

“When I had an accident ‘yung hindi ako nakapag-exercise nang todo for myself and for my team.”

Ano o sino ang na-miss mo noong pumasok ka sa camp?

“My family… my Alejandro… ‘yung nakabukas ang ilaw matulog at katabi si mommy sa bed. Ha! Ha! Ha! Ha! At yung mga favorite foods ko.”

Ano o sino ang mami-miss mo ngayong nakalabas ka na sa camp?

“Lahat ng tao doon! Teammates. Blue team. Lahat ng staff at syempre si Ms. Sharon at papa Derek! He! He! He! he!!

“Mami-miss ko rin `yung paggising pa lang magwu-workout na. Lahat ng ginagawa sa loob.”

Ano ang balak mo ngayong nasa labas ka na ng camp?

“Continue what I have started. Magwu-workout pa rin at magda-diet.

Anu-ano na ang mga nabago sa buhay mo ngayon?

“I’ve learned to value and to take good care of myself more. I now know how to control my urges to eat unhealthy foods, mainly avoiding temptations. I now believe that we can change our stars.”
Teka, ano nga ba ang timbang mo sa unang weigh-in?

“221 lbs.”

Ano ang timbang mo noong huling weigh-in?

"211.”

Sino sa tingin mo ang magiging first BL winner?

“Im rooting for Eric, Ate Edden, Kuya Allan, Winwin, and Kuya Larry. Kahit sino sa kanila. Ok naman! They deserve to win.”

No comments:

Post a Comment