Thursday, June 2, 2011

Sharon, humanga sa ‘Loser’ contestants!


Dumagundong sa ratings at sa puso ng mga manonood ang The Biggest Loser Pinoy Edition simula noong Lunes. Pati sa Internet ay pinag-usapan ito nang husto at pumatok maging sa Twitter site.




Sa pilot episode ng pinakabagong reality show ng ABS-CBN, pumalo ito ng 20.5% para durugin ang mga katapat na palabas at pumasok sa Top 5 programs, ayon sa national overnight TV ratings mula sa Kantar Media.


Higit pa riyan, pasok din ang The Biggest Loser Pinoy Edition sa puso ng mga manonood dahil na rin sa kuwento ng 14 bigating Pinoy na kinapulutan ng inspirasyon pati ng host na si Sharon Cuneta.


Sa naganap na timbangan kamakailan lang para makuha ang starting weight ng mga kalahok, maluhaluhang ibinahagi ni Sharon ang kanyang dinanas na lungkot matapos magdiwang ng ika-40 kaarawan.


I had a midlife crisis. I was very angry. ‘Cause I was everybody’s sweetheart all of a sudden I turned a year older, everybody changed. And I lost all desire to look good,” matapang niyang pag-amin.


Ngunit pagkatapos daw niyang makita ang determinasyon ng 14 na harapin ang katotohanan at maging seryoso sa pagpapapayat, nagbalik daw ang tiwala niya sa sarili na magsimula ng pagbabago.


“Thank you for making me feel this. Magsisikap akong pumayat at bumalik sa dati,” dagdag pa niya.


Malaking bagay naman sa 14 kalahok na sina Alan, Art, Eboy, Eric, JM, Larry, Raffy, Ryan, Angela, Destiny, Edden, Joy, Hazel, at Winwin na nakaka-relate sa kanila si Sharon na makakasama nila linggu-linggo tuwing weigh-in at elimination.


‘Ika nga ni Winwin, para silang nasa isang tahanan, kung saan may isang ate na nakaiintindi at kumakalinga sa kanila. Sey ni Raffy, lalo raw tumaas ang respeto niya sa artista. Maliban sa kanila, ikinatuwa rin ng fans ng programa ang pakikitungo ni Sharon sa mga kalahok.

No comments:

Post a Comment