Wednesday, July 20, 2011

Biggest Loser, sunud-sunod ang pasabog!




Sunud-sunod ang ­pasabog sa mas tumitindi pang kompetisyon ng mga Bigating Pinoy sa The Biggest Loser Pinoy Edition.

Kasunod ng pagpapauwi kay Joy Siy sa pinakahuling elimination ceremony, ipinasok naman sa Biggest Loser Camp ang dalawang wild card contestants na sina Andy at Leigh.



Unang nakilala ang dalawa sa wild card challenge na naipanalo nina Destiny at Larry noong si­mula pa lang ng programa. Lingid sa kaalaman ng lahat, patuloy ang pagti-training ng dalawa sa labas ng camp at bumalik para hamunin ang mga “original” na Bigating Pinoy.

Ngayong linggo, tatapatan nina Andy at Leigh sina Ryan at Angela, ang dalawang nangulelat sa “Deadly Tons” challenge para sa “The Big Challenge.” Sasabak sila sa tatlong hamon para sa kapangyarihang piliin kung sino ang lalaban kina Andy at Leigh sa susunod na weigh-in.

Dapat maipanalo ito nina Ryan at Angela para masiguradong malakas ang dalawang pantapat ng mga original bigating Pinoy kina Andy at Leigh sa darating na weigh-in. Kung manalo kasi sina Andy at Leigh sa bawasan ng timbang, ligtas sila sa eliminasyon at ang dalawang nasa ilalim ng yellow line na original bigating Pinoy ang haharap sa botohan.

Samantala, nananatili namang masigasig si Joy maski lumabas na sa camp. Masayang ibinalita ni Joy na nakapagbawas na siya ng 4 lbs sa kanyang sariling pagsisikap.

“Itinutuloy ko ang disiplina na sinusunod ko sa camp, ‘yung pag-aalaga ng katawan ko by training at pagkain ng tama. Isasama ko rin sa calendar ko ang mga fun run, marathons, swimming, at badminton. Bawas gimiks na.”

Maliban sa mga makapigil-hiningang work-out at challenges, abangan din ang “slow dance” sa pagitan ng Biggest Loser couples na sina Winwin at Andy, Ryan at Leigh, at siyempre sina Raffy at Hazel.

Alamin din ang reward na ibibigay kay Alan na magpapa-emosyunal hindi lang sa kanya kundi pati sa kaibigang si Art.

4 comments:

  1. Hey.. nice post.. what i liked in ur post is ur writing as i m also a dissertation writing expert. You can visit my site for some recommended tips.

    ReplyDelete
  2. hhahaha... picture is really funny..and the way you write this is really appreciable.
    The stylish dog poop waste bags that make cleaning up after your dog a little bit better. Buy Biodegradable dog waste bags on wholesale price. Dog Waste Bag

    ReplyDelete
  3. I really appreciate that you still want to continue your healthy life..
    Auto Transport in USA offering best auto transport rates for open and enclosed door to door auto transport & car shipping services.miyaansameerjisamrat

    ReplyDelete
  4. hahahaha, she is a loser , not because of what she looks like but because she has accepted it as her fate.


    engineering interview questions and answers

    ReplyDelete