Saturday, May 21, 2011

The Biggest Loser Pinoy Editio starts May 30!



Sa May 30 na ang pilot telecast ng pinakabagong show ng ABS CBN 2, at kauna-unahang reality show na hahawakan ni Sharon Cuneta bilang host, ang The Biggest ­Loser: Pinoy Edition.


Mapapanood ito araw-araw sa loob ng 30 minutes pagkatapos ng TV Patrol. Makakasama ni Sharon bilang game master host si Derek Ramsay.


Itinuturing ng Kapamil­ya Network na pinakama­laking reality show nila ang TBLPE. Inarkila nila ang Eagle Rich Country Sites Golf Course Club House sa General Trias, Cavite, ni-renovate nila `yon at para maging camp ng mga contestants at gawing training ground ng kanilang weight lose program.


Sabi ni Junjun Santiago na Production manager ng show, hindi ex-deal ang lugar dahil binayaran nila ito sa isang discounted leasing price.


Pitong wireless satellite camera rin ang binili ng Kapamilya Network para sa show. Sa lente pa lang na nagkakahalaga ng P2.5M ay malaking pera na ang nilabas nila.


Kinuha rin nila si Nadine Tengco, nutritionist na nag-aral sa Amerika, para magbigay ng proper nutrition at healthy diet sa mga participants.


Sa pagdalaw namin sa TBLPE camp kamakailan, hinimay ni Nadine ang mga impormasyon tungkol sa kung anu-anong mga tamang pagkain para makakuha ng wastong nutrition sa pagpapayat.


De-kalibre rin ang dalawang trainer ng show na siyang hahawak sa work out at exercise program ng mga participants, sina Jim Sarte at Chinggay Andrada.


Labindalawang conten­ders ang maglalaban para sa P1M cash prize, isang condo unit at isang Vespa scooter.

No comments:

Post a Comment