Monday, April 18, 2011

Sharon sumabak na kasama ang mga ‘Loser’!


Malapit na nating mapanood sa Kapamilya ang reality drama show na si­nu­subaybayan saan mang panig ng mundo, ang The Biggest Loser. Noong Biyernes ay nag-taping na si Sharon Cuneta para sa Pinoy Edition ng nasa­bing show. Iba’t ibang kuwento ng pagsubok, pag-asa, at tagumpay ang masasaksihan natin sa lahat ng contestants na kasali rito.



“First time ko kasing mag-host ng isang franchise na galing sa ibang bansa, 24 countries na, so tuwang-tuwa naman ako na napili ako. Napaka-touching niya, napaka-inspiring, magru-root kayo sa mga contestants. Iba-iba ’yung dahilan nila ng kagustuhan na magpapayat, of course nandoon ’yung para sa sarili pero makikita mo talaga para sa mahal sa buhay karaniwan,” pahayag ni Sharon.

Makakasama rin ni Sharon si Derek Ramsay na magsisilbing game master ng programa. Nakatakdang samahan ng Megastar ang lahat ng kalahok sa kanilang paglalakbay tungo sa mala­king pagbabago, kaya pakaabangan natin ang The Biggest Loser Pinoy Edition.

No comments:

Post a Comment